top of page
Search

CHA-EUNWOO MANILA 2019

  • Writer: Rose Anne .Virtuso
    Rose Anne .Virtuso
  • Sep 8, 2021
  • 3 min read

Araw ng Sabado, lahat ay abala sa kani-kanilang mga pupuntahan o gagawin, tulad ng iba ako rin ay abala sa preparasyon ko sa pagpunta ng Maynila upang dumalo sa isa sa mga di ko malilimutang kaganapan sa aking buhay.

Habang ako’y papalapit sa pintuan, tanaw na tanaw ang isang malaking kurtinang pula na tila ba isang harang sa kung ano mang mayroon sa loob nito. Hindi maipinta sa aking mukha ang galak na nadarama at ang pagmamadaling madiskubre kung ano bang meron sa likod ng pulang kurtina. Nang makapasok ako, bumungad sa akin ang di mahulugang karayom na mga taong taga-hanga. Nagtatawanan, nagsisigawan, nagkakantahan ang bawat isa. Lumapit ako sa unang gwardya na aking nakita at ipinakita ang kapirasong papel sabay tanong, “Kuya saan po ako uupo?” “Ma’am dito po kayo” ani nya habang tinuturo ang direksyon kung saan ako tutungo. Labing-limang minuto na akong nakaupo at nag aantay na iluwa ng entablado ang lalaking hinihintay na namin ng matagal. Saktong ala-sais ng hapon ay nagdilim ang paligid, lahat ay hindi na magkanda-humayaw sa pagsigaw ng narinig namin ang boses na nais naming marinig noon pa man, isang lalaking naka-hanbok ang nasa entablado habang kumakanta kasabay ng pagtutok ng puting ilaw sakanya at sigurado kaming siya na nga ang aming inaabangan.

“CHA EUNWOO!, DODONG! WAAAAH!” bawat tao ay iyon ang sinasambit, sobrang ingay na para bang ang bawat pagsigaw nila ay wala ng bukas. Natapos na ang pagkanta niya ngunit ang sigawan ay hindi padin natatapos dahil may susunod pa. Lumabas muli si Eunwoo sa entablado na naka-suot na ng pormal na damit kasama ang isang host upang siya ay tanungin at kausapin. Maraming bagong impormasyon tungkol sa kanya na ngayon lang nalaman ng lahat at nagkaroon din ng mga aktibidad tulad ng pagbunot ni Eunwoo ng numero ng upuan upang mabigyan niya ng regalo tulad ng sombrero na suot nya, mga bola na mayroon nyang pirma na ginamit sa isa sa naging aktibidad at ang personal nyang ginawang dream catcher, sa kasamaang palad ay hindi nabunot ang numero ng aking upuan ngunit ang makapunta roon ay isa ng maswerteng pagkakataon. Kumanta muli siya ng ilan sa mga orihinal nyang musika at di mapag kakaila na mayroon syang ginintuang tinig. Lahat ay nagulat ng marinig ang kanyang pagkanta ng isang tagalog na awitin, ang “Kathang Isip” ng Ben&Ben, di mo aakalain na isang koreano ang nakanta nito na walang pagkakamali sa bawat liriko. Lahat ng tao ay sumabay sa bawat pag awit nya, parang ang lahat ay naka-lutang sa langit. Tulad ng pagliwanag ng paligid gamit ang ibat-ibang kulay ng lente ay makikita rin ang pagliwanag ng mga mata ng mga tao sa loob dahil sa sobrang saya.

Natapos ito sa pasasalamat niya sa lahat ng dumalo sa kanyang fanmeet at isang pangakong babalik sya kasama ang kanyang ibang miyembro, ang ASTRO. Umabot ng dalawang oras ang pagtatanghal nya sa amin, bago pa man kami umuwi ay mayroon kaming pagkakataon na mahawakan ang kanyang kamay kahit sandali upang magpaalam ng harapan sakanya. Bawat isa ay hindi na mapakali sa kanilang inuupuan habang nag iisip kung ano ang gagawin o sasabihin kapag sila na ang nasa harapan ni Eunwoo. Pinapila ang lahat sa isang gilid upang isa-isang umakyat ng entablado kung nasaan si Eunwoo. “Isa, dalawa, tatlo, apat”, ang pagbibilang ko sa aking isipan kung ilan na lamang ang taong nasa harapan ko at pang lima na ako. Bawat taong bumababa ng entablado matapos makaharap si Eunwoo ay nagsisigawan, mayroon ding mga umiyak. Rinig na rinig ko ang kabog ng aking dibdib habang palapit ng palapit ako sakanya, hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng nasa paligid ko at nakapokus na lamang sa direksyon kung nasaan si Eunwoo. Kapag nasa harap mo na pala sya ay makakalimutan mo na lahat ng plano mong sabihin sakanya, iba ang pakiramdam na mahawakan mo ang kanyang kamay habang naka-ngiti sya sa iyo kahit ito ay halos tatlong segundo lamang. Tulad ng sabi ng iba, nakakatunaw ang kanyang ngiti at ang kanyang kamay ay para bang unan sa lambot, ang kanyang mukha ay kutis porselana. Nang makalabas na ang lahat, natapos man ang pagtatanghal ngunit ang hiyawan ng bawat isa ay nagtuloy hanggang sa labas. Ang bawat taga-hanga ay mayroong kanya-kanyang kwento, ang bawat tawa at di maipintang mga ngiti ay may kahulugan. Dalawang oras lamang ang tinagal ngunit ang ala-ala sa mga nangyari ay tatatak at hindi makakalimutan kailanman.


Recent Posts

See All
TULOY ANG PAGYUKO, WALANG SUSUKO

“Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko…” isang awitin ng Bulilit Singers na simula Elementarya pa lamang ay tinuturo na sa atin. Masaya...

 
 
 
5 SECRETS HACKS TO A BROKEN HEART

According to neuroscientist Loretta Bruening: “Love stimulates all of your happy chemicals at once. That’s why it feels so good.” But...

 
 
 

Comentários


Post: Blog2 Post
bottom of page